Friday, March 18, 2011

YOUNG LOVE 6.0

Sam: Goodmorning Panget!

Devon: ha?! (na nagulat sa nakita at nadinig, muli niyang pinikit ang mata dahil akala nito ay namamalik mata lang sya o dala lang ng HangOver)

Isang bagong gising na dalaga ang nakita ni Sam, ibang iba ang aura nito. NakaT-shirt lang ng maluwag at maiksing short si Devon kaya’t kitang kita ang hubog ng katawan nito na nagpalunok sa binata.

Sam: ano ba yan? Open your eyes!!!

Unti unting lumapit si Sam sa dalaga at nilapit din nito ang mukha, tinititigan  niya ang magandang mukha ni Devon na nakapikit pa din at tila anghel na natutulog. Dahil ayaw pa din dumilat ng dalaga ay nagsalita na ito na hindi pa din umaalis sa posisyon.

Sam: I brought you some breakfast (with matching sweet smile pa!)

Unti unti naman dumilat si Devon at ang nakita nya ay WOOOOOW!! Ang mga mata ni Sam na nakatitig sa mata nito.

Devon: ah. Eh. Bakit ka nag-abala pa? (tila umiiwas dahil naiilang sa titig ng binata)

Sam: did H.O. hits you? (habang hinahanda ang pagkain sa lamesa)

Devon: anong H.O.?

Sam: HangOver? Haha! You’re drunk last night!

Devon: sus! Hindi ako lasing no! Pati bakit ang daming pagkain? Hindi ako mahilig kumain ng breakfast!

Punong puno ng Muffins, Hashbrown, Pancakes, Philly Cheesesteak, fresh fruits, frappucino at hot choco ang dining table nila Devon.

Sam: hindi ko kasi alam kung ano kakainin mo eh? (sabay kamot sa ulo)

Devon: baliw ka talaga! Sana hindi ka na nag-abala! Sige pagtiyagaan natin kainin yan!

Sam: pagtiyagaan? you don’t like it?  (na kinanuot ng kilay)

Devon: opo! Ang dami kaya nyan, pagtitiyagaan kong ubusin para di sayang effort mo! haha halika na! sabayan mo ko!

Sam: really?

Devon: at ano akala mo kaya kong ubusin to? Hala! Upo na! at baka maabutan pa tayo ni ate, ubusin nya pa to lahat!

Pinagsaluhan nila ng tawanan at sulyapan ang umagahan, ngunit sa mahabang oras ng pagkain na yun, wala ni isang kumibo sa kanila.

Sam: to break the silence, do you still remember what James’ said last night?

Devon: hmmm? Ano dun?

Sam: ahmmm. Si ano, yung?

Devon: ah!! Yung liligawan ako? Haha! Oo tanda ko pa.

Sam: eh yung answer ko? (minamasdan maigi ang expression ng mukha ni Devon)

Devon: diba yung Yen? Siya yung girl sa school dba? Yung tinititigan mo sa malayo? (pag-iiba ng usapan)

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sam. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya sa pag-iba ng usapan ng dalaga. Ngayon, siya ang nasa hot seat, pero hindi ito papayag na mabalewala ang gusto nitong ipoint out na issue kanina pa.

Sam: what if I’ll ask you to be my girl? Papayag ka ba?

Kinagulat ng dalaga ang tanong ni Sam kaya’t hindi nya napigilan ang paglabas ng iniinom na frapuccino sa kanyang bibig at saktong sa mukha pa ng binata naibuga.

Sam: woah! Iniinom yan panget. (habang hindi mapigilan ang tawa sa reaction ni Devon at pinupunasan ang sariling mukha)

Devon: sorry! Teka eto (kumuha ng tissue at tinulungan pahidan ang mukha ni Sam)

Hindi napigilan ni Sam ang sarili habang pinagmamasadan si Devon na patuloy pa din ang pagpunas sa mukha nito. Hinawakan nya ang mga kamay nito at inipit sa tenga ang mga buhok na nakaharang sa magandang mukha nito.

Devon: ahhh. Bakit? (naiilang sa posisyon nila)

Magkatapat sila ng upuan sa mesa. Nakaupo si Sam habang si Devon naman ay pinipilit abutin ang mukha ni Sam mula sa kanyang inuupuan.

Devon: nangangalay na ko. Pwede mo na akong bitawan? (nakataas na ang kilay nito na tila nagtataka sa inaakto ng binata na parang walang nadidinig at patuloy pa din sa pakikipagtitigan nito)

Dahan dahan tumayo si Sam ngunit hindi pa din binibitawan ang mga kamay ni Devon. Pumunta siya sa tapat ni Devon at nilagay ang mga kamay ng dalaga sa kanyang leeg habang ang sa kanya ay hinihimas ang mukhang malaporselana sa kinis. Hindi na ito nakapagpigil pa kaya’t dahan dahan na nitong nilapit ang kanyang labi sa labi ng dalaga at nilipat ang kamay sa bewang nito. Gusto man umiwas ni Devon ay napapikit na lang ito, (ito yata ang first kiss niya! Char). Parang walang buhay ang mga tuhod ni Devon sa panlalambot nito, sabihin man niyang hindi niya ginusto ang ginawa ni Sam ay hindi niya ito mapigilan dahil parang may nag-uudyok sa kanya na hayaan lang ang mga pangyayari. Ang dating banayad at dahan dahan na halik ay biglang naging mapaghanap na at hindi din napapansin ni Devon na tumutugon din ito sa ginagawa ng binata. Hanggang hindi nila napansin na nakapasok na pala sila sa kitchen area at napasandal siya sa Refrigerator, unti unti na din naging mapaghanap ang kamay ni Sam habang si Devon ay hindi namamalayang hinihimas ang likod ng binata na lalong nagbibigay ng sensual sa pakiramdam dito. Ipapasok na sana ni Sam ang mga kamay nito sa blouse na suot ni Devon ng biglang..

Quen: PARE! (sigaw nito mula sa salas) NASAAN KA BA HOY!!!

Nagkatitigan si Sam at Devon at natawa na lang sa mga pangyayari. Parang walang ilangan na nangyari sa kanila pagkatapos noon nguni’t nagbalik huwisyo si Devon ng maalalang nasa sala lang pala si Quen kaya’t binalak nitong labasin ang kanyang pare. Habang papalakad ito ay biglang hinawakan ni Sam ang mga kamay nito at niyakap ng sobrang higpit.

Sam: I’m so happy (inalis ang pagkayakap at binigyan si Devon ng mabilis na halik)

Naunang lumabas si Sam upang puntahan ang kapatid habang naiwan si Devon sa kitchen na nakatulala at nakangiti habang nakahawak sa kanyang labi.

3 comments:

  1. hala! ratedPG na pala ginawa ko. hehe :)

    ReplyDelete
  2. waaaahhh! may continuation na pala buti na lang naligaw ako d2!! hahaha...

    ang bilis nmn ni sam naka 1st base na muntik pang umabot ng 2nd!! hahaha!! kawawa nmn c quen nalusutan cya ni sam... ano ng mangyayari sa kanya? ayoko cyang mapunta kay erich... sakin n lng cya pede?? chos!! hahaha!!

    next chap na ulit!! :)

    ReplyDelete