Monday, January 31, 2011

YOUNG LOVE 4.0

Sam: goodmorning mom! (masiglang pagbati ni Sam sa ina habang papalapit sa dining area)

Mommy Becky: wow! Ang gwapo ng anak ko ah?

Sam: really? I never thought that ! (pagmamayabang nito sa ina)

Mommy Becky: ang kuya mo?

Sam: maybe in his room?

Mommy Becky: kuya mo talaga, manang pakitawag naman  po si  Quen? Paki sabi na  baka ma-late sila.

Manang: ay ma’m, nasa kabila na po. Nakikain na naman. (tatawa-tawang sinabi ni Manang sa ina ni Sam)

Mommy Becky: ah ganun ba? Oh bilisan mo Sam baka tapos na din yung mga yun kumain, maiwanan ka pa.

Sam: what did Manang mean? he do that often?

Mommy Becky: ahh. Maybe twice a week? Para daw bilisan ni Devon ang kilos at hindi ma-late. Speaking of late, finish your brekky na.

Sam: I’m almost done mom, don’t worry.

…..
Quen: Pare! Bilis! (habang kinakatok ang pinto ng room ni Devon)

Erich: hindi ka na ba nasanay dyan? (nang dumaan bigla sa likod ni Quen)

Quen: eh ikaw? Bakit hindi ka pa nakabihis?

Erich: afternoon session ako noh! Pati susunduin ako ng Dee ko ! (kinikilig at hinahalkan ang wallpaper sa BB phone nito)

Quen: parang wala na talagang ibang boys dyan ha? bakla yang Dee mo! (pang-aasar nito)

Erich: ang kapal mo! Magsorry ka!

Quen: and why? (nagulat)

Erich: you said that he’s…. aaaahhhh! (pumasok sa kwarto na nagmamaktol)

Quen: crazy! Hoy Pare! Bilisan mo na!

Sam: ehem!

Quen: oh bro? ok na? wait lang natin tong mokong na ‘to.

Sam: mokong? (sabay taas ng kilay)

Devon: mas mokong ka! Narinig ko yun ha! (sabay batok kay Quen) halika na!

Quen: wait! (tumigil sandali at tinitigan si Devon) ikaw ba yan pare? wooow

Devon: isa pa! makakatikim ka ulit sa akin!

Quen: ok, I’ll zip my mouth na. (sabay takip nito sa bibig)

Devon: matagal ba ko Sam?

Sam: no?

Quen: ako ang nag-antay ng matagal noh!

Devon: sabi ng!...

Quen: ok (sabay ngiti kay Devon at tahimik)

First day of class ng St. Mary’s University, nagkita kita na naman ang mga magbabarkada na tila first time ulit nagkasama. Madami din makikitang mga bagong mukha tulad na lang ni Sam na naninibago sa bagong university na papasukan at ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa isang sulok na si Yen.

Sam: ahhh. I think I know her? (tinititigan ang babae mula sa kanilang kinauupuan)

Quen: ha? sino? That girl? (turo kay Yen)

Devon: lapitan mo kaya para masigurado mo?

Sam: (tinignan si Devon) ah. Nevermind, san tayo mamaya?

Quen: what do you mean?

Sam: naman! Let’s have some fun! Let’s party somewhere!

Quen: naku bro! ewan ko lang ha, ewan ko lang talaga kung mapapayag mo ‘tong pare ko.

Sam: ha? bakit naman? (nagtatakang tanong kay Devon)

Devon: kasi naman, pinagtatawanan lagi ako ng kuya mo kapag nasa bar kami!

Quen: bar kasi diba? Pero juice lang ang inoorder niya! At kapag may nag-aask sa kanya to dance para siyang tuod na naninigas sa chair! (tawa ng tawa habang inaakto pa ang paninigas sa upuan)

Devon: eh kasi naman ikaw! Kapag nasa mood akong makipag-sayaw pinipigilan mo ako o minsan nilalayo mo ako! KJ!

Quen: eh ang papanget kaya ng mga yun! Mas gwapo pa ako noh!

Devon: ha?! may sinasabi ka ba? Wala kasi akong marinig eh! Nabibingi ako!

Quen: sabi ko (lumapit sa tenga ni Devon at bumulong) ang ganda mo!

Napatigil naman si Sam sa ginawa ni Quen habang si Devon ay binisligan ang katabing si Quen.

Quen: aray ha! naniwala ka naman!

Devon: ay naku! Gusto mo pang makatikim ha?!

Sam: hey, I’m still here ! (sabay kaway sa kanilang dalawa) ok then, punta tayo ha? (tinanong si Devon with pleasing smile)

Devon: deal! (thumbs up at ngiti din ang sinagot ni Devon kay sam samantalang binigyan niya ng masamang tingin si Quen)

Quen: weh? Sige ba! Gora tayo dyan! Magpaalam ka na agad sa ate mo pare ha!

Devon: oo na!

Eto na ang pagkakataong hinihintay ni Sam ang maka-bonding at makilala pa ng tuluyan ang naiwan niya noong kababata. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o ano ang mga dapat niyang gawin para gumaan muli ang loob ni Devon sa kanya at hindi na muling mailang sa mga susunod na pagkikita nila.

Tuesday, January 11, 2011

YOUNG LOVE 3.0

Quen: pizza?

Sam: fries?

Quen: popcorn?

Sam: nachos?

Quen: milkshake?

Sam: ice cream?

Devon: hep! Hep! Hep! (na tila nahihilo na sa dalawa) Gagabihin tayo sa mga ginagawa nyo eh. Order na lang tayo pizza!

Quen: that’s a good idea! (pagmamayabang nito sa kapatid)

Devon: tsaka ice cream!

Sam: great choice! (ngumiti naman ng pagka-laki laki)

Quen: what about popcorn?

Sam: or nachos? Much better, right?

Devon: potato chips gusto ko! Edi bumili kayo kung gusto nyo! (inunahan ang dalawa sa paglalakad)

Sam: what the?

Quen: Devon is Devon. Hindi mo sya mapipilit. (sinundan naman si Devon sa paglalakad)

Halos inabot sila ng isang oras sa mall para bumili ng makakain, 3 movies kasi ang gusto nila panoodin hindi muna nila pinagpatuloy ang panonood dahil mas masarap nga naman kung may kinakain. Sinusulit kasi nila Devon ang bakasyon dahil kinabukasan ay umpisa na ng eskwela nila.

Devon: yey! Simulan ulit natin sa umpisa. (sabay upo sa kama)

Tumabi naman si Quen na may hawak na ice cream cup, sabay tabi ni Sam na may dalang potato chips kaya’t napagitnaan siya ng magkapatid. Masaya nilang pinapanood ang movie, pero kahit ganun ay naiilang pa din si Devon kay Sam dahil na din sa mga kinikilos nito. Hindi kasi nya maintindihan ang binata, sa umpisa pa lang ay malamig na ang trato nito sa kanya. Hindi naman sya manhid upang hindi nya maramdaman ang cold treatment nito pero ayan! Bigla na lang siya sasama sa kanila at makikipag-bonding, hindi niya alam kung paano nya ito i-hahandle. Habang napapaisip at tuluyang nawawala sa focus sa pinapanood, nagulat siya sa mga nangyari!


Devon: Pare! Stop! (hindi mapigilan ang hagikgik dahil sa pangingiliti)


Quen: ha? (na nagtataka sabay tingin sa paanan nila)

Devon: uhmmm. (na hindi namalayan na nagb-blush siya) I thought it was you ? (sabay subo ng potato chips)

Sam: may kiliti ka pa din sa paa? Still miss tickle huh? (hindi naman mapigilan ang mga ngiti sa labi)

Devon: obviously? (na nakafocus ang mata sa pinapanood)


One down, two to go. Sunod naman nila pinanood ang comedy “Despicable Me”. Habang kalagitnaan ay sumakit ang likod ni Devon dahil na lang sa posisyon nila.

Devon: ouch (at napasubsob na lang ang mukha sa kama)

Quen: why pare? (sabay masahe nito sa likod ni Devon) umupo ka na lang kasi then lay your back with pillow (at binigyan ng unan ang dalaga)

Hindi maiwasan ni Sam na pansinin ang dalawa dahil  sa hindi maipaliwanag na nararamdaman  o nagseselos nga lang ba siya dahil sa nakikitang pagkakamalapit ng kuya niya at ni Devon? Kaya naman noong nag-iba ng pwesto ang dalawa ay gumaya na din ito.

Quen: hey Sam, hindi ka pa nageenroll this sem ah?

Sam: Mom will take care of it!

Quen: saan ka papasok?

Sam: Devon, where your school at?

Devon: bakit? (hindi makatingin sa kausap dahil sa lapit ng mukha ni Sam sa kanya)

Sam: so I know what my school name is (sabay ngiti nito at harap sa pinapanood)

Quen: what?! Well, that’s my school also.

Sam: huh? (nakakunot ang noo)

Quen: you heard it right?!

Devon: lilipat ka?

Quen: yea. Ayaw mo? Diba matagal mo na gustong doon ako mag-aral? Ok na papers ko.

Sam: ehem! Manonood pa ba tayo?

Devon: hindi ko na naintindihan, ang ingay nyong dalawa. Better yet, tulog na lang ako. Ok?  Goodbye (sabay tayo sa kama)

Sam: kuya! Ayusin mo yan (tinuro ang mga kalat) ako na maghatid kay Devon.

Nabigla si Devon sa mga nadinig, unti unti bumabalik din ang mga ala-ala niya noong kabataan pa sila. Madalas kasing ihatid ni Sam si Devon sa bahay nila sa tuwing naglalaro sila. Hindi naman napigilan ni Devon na ngumiti dahil sa ginagawa ng binata, umaasa din siya na muling maibabalik ang mabuting pagkakaibigan nila.

Sam: so we’re here.

Devon: ayaw mo makita muna si ate?

Sam: takot pa din ako dun, suplada (bulong nit okay Devon)

Devon: ikaw talaga! (at binigyan ng isang power punch sa tiyan)

Sam: awww. Mas lumakas ka ha?

Devon: naman! Nagtataekwando kaya kame! Nasa dance group pa ko!

Sam: ikaw ? nasayaw? Weh? (pang-aasar nito)

Devon: oo naman! Nagchchampion kami noh!

Sam: sino naman kagroup mo? Maybe kids?

Devon: ab! Aba! Hindi no! itanong mo pa kay pare!

Sam: (biglang nag-iba ang mood) pare?

Devon: ahh. Kuya mo! Kumpare ko kasi yu eh, kinuha kami ng kuya mong ninong at ninang sa first baby ni tita abby? Tanda mo pa ba siya?

Sam: yung namimigay ng lollipop?

Devon: oo! Nakakatuwa nga eh, ang bata bata naming nung nag-anak! (napansin naman niya si Sam na mukhang hindi na nag-eenjoy sa kinukwento) ahhh. Sige, baka need mo na umuwi. Salamat!

Sam: ok, goodnight! Sweetdreams panget! (at binigyan ng sobrang laking ngiti si devon)

Devon: panget pa din! BLEH! Maganda na ko no!

Sam: only in my dreams! Hahaha (tumatawa habang naglalakad pabalik sa bahay)

At nang makapasok na si Devon sa bahay..

Yaya Henya: aysus, kagwapong bata na ni Sam noh?

Erich: nasaan?

Devon: umalis na, takot pa din sayo!

Erich: sus. Oh ano? Ready na ba ikaw for tom? Ayusin mo porma mo ha! first day yun.

Devon: ate? Nandun na ako nung 1st sem noh? May magbabago ba?

Erich: nang makahanap ka naman ng boyfriend! Nang hindi ka mainggit sa amin ng Dee ko! Hahah (inaasar na namn si Devon)

Devon: magbbreak din kayo! Hahahah (habang papasok sa kwarto)

----------
RING RING RING RING RING

Yaya Henya: Nene, nasaan si ineng?

Erich: nasa kwarto na ho! Sabihin ko na lang na sagutin nya, may landline naman ho yun sa kwarto.

----------
Quen: goodnight pare

Devon: kaw talaga, yun lang ba? Sige goodnight!

Sam: ehem!

Quen: parang lalaking umubo ah?

Sam: goodnight panget!

Devon: Sam?

Quen: hey bro! sige na pare goodnight, see yah tom sa school. Bye

Devon: bye.

---------
Quen: Sam!  (pinuntahan sa kwarto)

Sam: oh kuya, nag-goodnight lang ako. Masama ba?

Quen: at kelan mo ako tinawag na kuya? Ah! nevermind, sabay na daw tayo bukas!

Sam: ok! Goodnight (sabay tawa nito)

Masaya si Sam sa mga nangyari sa kanila ng buong araw, at umaasa syang mauulit pa iyon lalo na nakasama niya ulit ang kanyang kababatang si Devon. si devon na laging nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya.






Wednesday, January 5, 2011

YOUNG LOVE 2.0

Nakita ni Devon si Quen sa labas ng gate nila na naglilinis ng kotse nito…

Devon: pare! (sigaw nito)

Quen: huh?! (nagulat) oh pare!

Devon: gising na ba si Sam?

Quen: kanina pa, pero umalis eh. Sayang hindi mo naabutan.

Devon: ganun ba? (sad face)

Quen: simba tayo? It’s good Sunday!

Devon: sige, try ko din tanungin si ate kung papayag.

----------------------------------------

Mommy Becky: manang, si Quen? Lunch na baka hindi pa nakain?

Manang: ay ma’m, nagsimba po ata.

Sam: really? Im shocked! Napakabait na bata. I’ll tease him later.

Mommy Becky: at ikaw? San ka galing kanina, ang aga nun ha!

Sam: dyan lang sa clubhouse. Nag-jogging.

Mommy Becky: ahhhh. Ang laki na ng pinagbago ng clubhouse no? after 5 years na wala ka dito.

Sam: I don’t know. Hindi ko na maalala its old look eh.

Napaisip si Sam ng malalim ng pinaguspan nila ng kanyang ina ang clubhouse. Actually, kaya sya pumunta dun upang makita kung ano na nga ba ang itsura nito. Napakahalaga ng lugar na ito sa kaniya at maging sa kanyang childhood friend na si Devon, dito kasi sila madalas maglaro noong kabataan nila.

At biglang nagseryoso si Sam nang maalala ang naging usapan nila ni Devon bago sya umalis habang nasa playground ng clubhouse..

5 YEARS AGO…

Devon: sabi ni Yaya, aalis ka din daw? Tutulad ka ba kay Mama?

Sam: hindi no! syempre bibisitahin kita lagi dito at kada-birthday natin tayong dalawa lagi magkasama!

Devon: promise?

Sam: promise ko yan! At uuwian pa kita ng snow. Madami daw dun!

Devon: ang saya naman. Kaso tunaw na yun pagdating dito.

Sam: oo nga no? isusulat ko na lang sa snow pangalan mo para kunwari nandun ka na din.

Devon: promise ha? babalikan mo ko dito (habang naiyak)

Sam: promise ko yan. Babalik ako para sayo (at niyakap nya si Devon)

Hindi naman nakalimutan ni Sam ang promise na iyon pero simula ng malaman niya na si Quen na lagi ang kasama nito simula ng umalis siya ay nakaramdam sya ng pagseselos at tuluyan na lamang nilagay sa limot ang pangakong binitawan kay Devon.

Manang: Ay ma’m eto na ho si Quen!

Mommy Becky: kamusta naman ang pagsisimba?

Quen: good! (sabay beso beso sa kanyang ina)

Mommy Becky: umupo ka na din at saluhan mo kami ng kapatid mo.

Quen: I’m done! We eat lunch na.

Sam: we? (tiningnan si Quen na may tanong sa mukha)

Mommy Becky: ay naku! Sino pa nga ba makakasama ng kuya mo sa pagsisimba? Edi si Devon!

Quen: na natulog na naman habang homily (sabay tawa nito)

Mommy Becky: si devon talaga! do you still remember her? Your childhood sweetheart? (pang-aasar nito kay Sam)

Sam: nah. Kaya pala parang familiar, one of my playmates before.

Quen: one of your playmates? Eh siya lang naman sinasamahan mo lagi diba? Sabi mo pa nga, “I’m her living superhero!”

Sam: talaga? Did I said that? (seryosong sabi nito sabay ngiti na parang nanloloko)

Kita na sa mukha ni Quen ang asar dahil sa mga kinikilos ng kapatid kaya naman umalis na lang sya sa dining table at dumiretso sa kwarto. Hindi nya alam kung bakit biglang nag-iba ang trato ng kapatid niya kay Devon, ang alam kasi nito malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Habang si Devon ay nasa bahay nila…

Erich: Devon! Sagutin mo yun telephone!

Devon: ok! (dali daling pumunta sa telephone at sinagot)

TELEPHONE CONVO:

Devon: Hello? Callanta’s Residence.

Quen: grabe pare! Seryoso? Yan talaga sinasabi mo kapag sumasagot sa phone?

Devon: eh bakit ba?! (sigaw nito na naasar sa taw ni Quen)

Quen: punta ka dito! Movie marathon tayo sa room ko dali!

Devon: gusto ko yan! Sige papunta na ako dyan. BYE! (sabay bagsak sa telephone)

Quen: aray! May galit ba yun? (sabay hawak sa tenga)

END

 Dali daling nagpaalam si Devon sa kanyang ate upang pumunta sa kapitbahay.

Devon: hi manang! (sabay yakap nito)

Manang: oh iha? Nasa kwarto si Quen pero ayun si Sam! (tinuro si Sam na nakaupo sa couch)

Devon: Hi? (kaway nito kay Sam)

Sam: (ngumiti at tumango kay Devon)

Manang: umakyat ka na lang daw sabi ni Quen, nakahanda na ata yung papanuodin nyo?

Devon: salamat po. (sagot nito kay manang at sabay lingon ulit kay Sam)

Nang napansin niya na hindi man lang siya pinapansin ni Sam ay dumiretso na sya sa kwarto ni Quen.

Devon: pare! Ano papanoodin natin ha? (sabay upo sa lapag)

Quen: pili ka lang, mga bagong bili yan (pinakita ang mga DVDs)

Habang namimili sila Devon at Quen..

Sam: The Inception! Interesting movie. Let’s watch! (kinuha ang DVD na hawak ni Devon at sabay play sa DVD player)

Quen: bro? (nagtatakang tanong nito)

Sam: yes? (sagot na nakangiti habang umuupo sa tabi ni Devon)

Monday, January 3, 2011

YOUNG LOVE 1.0

Devon: hala ate! Anong oras na? bakit hindi mo ko ginising! (inis na turan nito sa kanyang ate)

Erich: aba! Kanina pa kaya nag-aalarm yang fone mo! Alarm ng alarm tapos ako sisisihin kung bakit hindi nagising?

Devon: ate naman eh! Paano na ako makakasama nyan, late na ko!

Erich: ha? Eh tingnan mo nga ang oras! (naiinis na din sa kakulitan ng kapatid)

Devon: 10:30 na?! (lugmok nito na sinabi sa kapatid)

Erich: hey! Cheer up! Tita Becky told me not to disturb your sleep. Kaya siya na lang at si Quen ang sumundo.

Devon: ganun ba? Kung 8:00 sila umalis dito at mga 9:45 sila nakarating dun. baka pabalik na sila at kasama na si SAM! (excited na sabi nito)

Erich: maybe? Pero tignan mo nga itsura mo! Maligo ka muna bago ka pumunta dun!

Devon: OK!

Dali-daling tumakbo si Devon pabalik sa kanyang kuwarto upang mag-ayos ng sarili. Habang ang ate Erich nya ay busy sa pagte-text sa living room. Dalawa lang silang magkapatid, ang Papa at Mama naman nila ay nasa London upang doon magtrabaho. Hindi sila ganun ka-close at katulad ng ibang magkakapatid madalas din sila mag-away. Tanging ang yaya lang nila ang nakalakihan nila, bihira lang kasi umuwi ang magulang nila sa loob ng isang taon.

Yaya Henya: aba’y ikaw na ba iyan iho? (napatigil sa pagdidilig ng halaman sa labas ng bahay nila Devon)

Mommy Becky: ang gwapo na no? (sabay yakap sa anak)

Yaya Henya: aba’y teka, tatawagin ko lang ang alaga ko! (sabay pasok nito sa bahay)

Mommy Becky: hindi mo man lang binati si yaya Henya?

Sam: I’m tired mom, I need some rest!

Mommy Becky: ganun ba? Sige pumasok ka na sa loob at ang kuya Quen mo na bahala ditto.

Quen: hey! Pupunta ata si Devon?

Sam: so?

Quen: so ka dyan! Excited na yun makita ka noh! Napuyat nga yon sa kakaisip kaya hindi nakasama kanina.

Sam: wow! I don’t even remember her face! Well ako, hindi excited.. sige na kuya, padala na lang nyan sa room. Please? (sabay diretso sa loob ng bahay)

Quen: haay.tsk tsk tignan mo Ma! Pinatira mo pa kasi kala lolo, kumapal ang mukha!

Mommy Becky: hayaan mo na, pagod lang siguro. Ikaw ang mas nakakatanda, please understand.

Quen: hey, 1 year lang pagitan namin ok? Hindi ako matanda!

Si Sam, ang childhood friend ni Devon. Simula nang umalis ang Mama at Papa nito, si Sam lang lagi ang kanyang kasama dahil may ibang kalaro ang ate niya. 7 years old sila pareho noon ngunit nang sumapit ang 12th birthday nila pareho (February 14), sinama si Sam ng kanyang lolo sa America upang doon muna tumira at mag-aral.

Quen: wow! Ganda natin ngayon ah? (pang-aasar kay Devon)

Devon: tabi nga! (sabay hampas) nasaan na sya? (paghahanap nito sa loob ng bahay nila Quen)

Quen: in his room, pagod daw sya kaya nagpahinga muna. (at napansin naman nya ang pagsimangot ni Devon) hey! What’s with that face? Madami dyan chocolate! Gusto mo?

Devon: (bigla siyang napangiti) sige!

Quen: sabi na! ahaha (at sabay nila tinahak ang kitchen)

Si Quen, ang kuya ni Sam. Simula nang umalis si Sam upang tumira sa America, si Quen na lang lagi ang kanyang nakakasama at nakakalaro. Magkatapat lang ang kanilang bahay kaya naman hindi sila nahihirapan dumalaw sa isa’t isa and until now sila palagi ang nagkakasama sa tuwing ayaw siyang samahan ng kanyang ate Erich.

Naghaharutan ang dalawa sa garden nang makita ni Sam.

Quen: bro! (tawag nito kay Sam na nakadungaw lang sa kanila)

Devon: Sam? Ang laki ng pinagbago niya pero ang amo pa din ng mukha (sabi ng dalaga sa sarili habang nakatingin sa binatang papalapit)

Nang biglang may napansin si Sam..

Sam: what the!

Quen: oh bakit?

Sam: why did you ate that? (sigaw ng binata kay Devon)

Devon: ha? (hindi na mapakali)

Quen: hey! Just chill! Chocolate lang yan Sam!

Sam: that’s not for you! (kinuha ang chocolate box mula sa table na kinabigla naman ni Devon)

Quen: what’s wrong with you huh?! (tumayo sa kinauupuan at tila nainis na din sa inaakto ng kapatid)

Sam: nothing! but this is supposed to be for my girl!

Quen: what? Teka teka! She’s Devon nga pala. Remember?

Devon: Hi! (tumayo at ngumiti ng pagkatamis tamis)

Sam: (napatitig muna sa smile ni Devon) yeah.

Iniwanan ni Sam si Quen at Devon sa garden habang si Devon ay nabigla sa mga pangyayari.

Quen: sorry ha?

Devon: ha? Para saan naman? (umupo ulit at tila para walang nangyari)

Quen: that’s what I like about you! (sabay kiniliti sa gilid)

Devon: ahhhh ganun ha? (at bumawi sa kiliti ni Quen)

Hindi magkamayaw ang halakhak ng dalawa habang si Sam ay nanatili sa pagdungaw sa bintana upang panoodin ang dalawang nagkakasiyahan.