Friday, March 18, 2011

YOUNG LOVE 6.0

Sam: Goodmorning Panget!

Devon: ha?! (na nagulat sa nakita at nadinig, muli niyang pinikit ang mata dahil akala nito ay namamalik mata lang sya o dala lang ng HangOver)

Isang bagong gising na dalaga ang nakita ni Sam, ibang iba ang aura nito. NakaT-shirt lang ng maluwag at maiksing short si Devon kaya’t kitang kita ang hubog ng katawan nito na nagpalunok sa binata.

Sam: ano ba yan? Open your eyes!!!

Unti unting lumapit si Sam sa dalaga at nilapit din nito ang mukha, tinititigan  niya ang magandang mukha ni Devon na nakapikit pa din at tila anghel na natutulog. Dahil ayaw pa din dumilat ng dalaga ay nagsalita na ito na hindi pa din umaalis sa posisyon.

Sam: I brought you some breakfast (with matching sweet smile pa!)

Unti unti naman dumilat si Devon at ang nakita nya ay WOOOOOW!! Ang mga mata ni Sam na nakatitig sa mata nito.

Devon: ah. Eh. Bakit ka nag-abala pa? (tila umiiwas dahil naiilang sa titig ng binata)

Sam: did H.O. hits you? (habang hinahanda ang pagkain sa lamesa)

Devon: anong H.O.?

Sam: HangOver? Haha! You’re drunk last night!

Devon: sus! Hindi ako lasing no! Pati bakit ang daming pagkain? Hindi ako mahilig kumain ng breakfast!

Punong puno ng Muffins, Hashbrown, Pancakes, Philly Cheesesteak, fresh fruits, frappucino at hot choco ang dining table nila Devon.

Sam: hindi ko kasi alam kung ano kakainin mo eh? (sabay kamot sa ulo)

Devon: baliw ka talaga! Sana hindi ka na nag-abala! Sige pagtiyagaan natin kainin yan!

Sam: pagtiyagaan? you don’t like it?  (na kinanuot ng kilay)

Devon: opo! Ang dami kaya nyan, pagtitiyagaan kong ubusin para di sayang effort mo! haha halika na! sabayan mo ko!

Sam: really?

Devon: at ano akala mo kaya kong ubusin to? Hala! Upo na! at baka maabutan pa tayo ni ate, ubusin nya pa to lahat!

Pinagsaluhan nila ng tawanan at sulyapan ang umagahan, ngunit sa mahabang oras ng pagkain na yun, wala ni isang kumibo sa kanila.

Sam: to break the silence, do you still remember what James’ said last night?

Devon: hmmm? Ano dun?

Sam: ahmmm. Si ano, yung?

Devon: ah!! Yung liligawan ako? Haha! Oo tanda ko pa.

Sam: eh yung answer ko? (minamasdan maigi ang expression ng mukha ni Devon)

Devon: diba yung Yen? Siya yung girl sa school dba? Yung tinititigan mo sa malayo? (pag-iiba ng usapan)

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sam. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya sa pag-iba ng usapan ng dalaga. Ngayon, siya ang nasa hot seat, pero hindi ito papayag na mabalewala ang gusto nitong ipoint out na issue kanina pa.

Sam: what if I’ll ask you to be my girl? Papayag ka ba?

Kinagulat ng dalaga ang tanong ni Sam kaya’t hindi nya napigilan ang paglabas ng iniinom na frapuccino sa kanyang bibig at saktong sa mukha pa ng binata naibuga.

Sam: woah! Iniinom yan panget. (habang hindi mapigilan ang tawa sa reaction ni Devon at pinupunasan ang sariling mukha)

Devon: sorry! Teka eto (kumuha ng tissue at tinulungan pahidan ang mukha ni Sam)

Hindi napigilan ni Sam ang sarili habang pinagmamasadan si Devon na patuloy pa din ang pagpunas sa mukha nito. Hinawakan nya ang mga kamay nito at inipit sa tenga ang mga buhok na nakaharang sa magandang mukha nito.

Devon: ahhh. Bakit? (naiilang sa posisyon nila)

Magkatapat sila ng upuan sa mesa. Nakaupo si Sam habang si Devon naman ay pinipilit abutin ang mukha ni Sam mula sa kanyang inuupuan.

Devon: nangangalay na ko. Pwede mo na akong bitawan? (nakataas na ang kilay nito na tila nagtataka sa inaakto ng binata na parang walang nadidinig at patuloy pa din sa pakikipagtitigan nito)

Dahan dahan tumayo si Sam ngunit hindi pa din binibitawan ang mga kamay ni Devon. Pumunta siya sa tapat ni Devon at nilagay ang mga kamay ng dalaga sa kanyang leeg habang ang sa kanya ay hinihimas ang mukhang malaporselana sa kinis. Hindi na ito nakapagpigil pa kaya’t dahan dahan na nitong nilapit ang kanyang labi sa labi ng dalaga at nilipat ang kamay sa bewang nito. Gusto man umiwas ni Devon ay napapikit na lang ito, (ito yata ang first kiss niya! Char). Parang walang buhay ang mga tuhod ni Devon sa panlalambot nito, sabihin man niyang hindi niya ginusto ang ginawa ni Sam ay hindi niya ito mapigilan dahil parang may nag-uudyok sa kanya na hayaan lang ang mga pangyayari. Ang dating banayad at dahan dahan na halik ay biglang naging mapaghanap na at hindi din napapansin ni Devon na tumutugon din ito sa ginagawa ng binata. Hanggang hindi nila napansin na nakapasok na pala sila sa kitchen area at napasandal siya sa Refrigerator, unti unti na din naging mapaghanap ang kamay ni Sam habang si Devon ay hindi namamalayang hinihimas ang likod ng binata na lalong nagbibigay ng sensual sa pakiramdam dito. Ipapasok na sana ni Sam ang mga kamay nito sa blouse na suot ni Devon ng biglang..

Quen: PARE! (sigaw nito mula sa salas) NASAAN KA BA HOY!!!

Nagkatitigan si Sam at Devon at natawa na lang sa mga pangyayari. Parang walang ilangan na nangyari sa kanila pagkatapos noon nguni’t nagbalik huwisyo si Devon ng maalalang nasa sala lang pala si Quen kaya’t binalak nitong labasin ang kanyang pare. Habang papalakad ito ay biglang hinawakan ni Sam ang mga kamay nito at niyakap ng sobrang higpit.

Sam: I’m so happy (inalis ang pagkayakap at binigyan si Devon ng mabilis na halik)

Naunang lumabas si Sam upang puntahan ang kapatid habang naiwan si Devon sa kitchen na nakatulala at nakangiti habang nakahawak sa kanyang labi.

Wednesday, March 16, 2011

YOUNG LOVE 5.0

Devon: pare!! (napatigil habang papasok na sila ng bar)

Quen: why? (nagtatakang tanong kay Devon)

Devon: parang back-out muna ako ngayon? (na hindi pa din inaalis ang mga mata sa tinititigan nito)

Sam: daya! No way! What’s that all about ba?

Quen: uh-oh! Kaya pala! Its HIM! Tsk (napapailing na sinundan ang tinititigan ni Devon)

Sam: wait! That’s James right?

Quen & Devon : you know him? (parang chorus na sinabi na kinabigla ni Sam)

Sam: yeah! We’ve been friends in L.A. , dito din pala siya? Teka. Bakit ganyan ang mukha nyo? Do I need something to know?

Devon: ah..eh.. wala! Co-player lang siya ng kuya mo.. halika na!

Sam: ok? (kibit balikat at pumasok na din sa entrance habang tumitingin sa kapatid kung ano ba ang meron)

Ang lalaking iyon ay si James, ang taong nagpapatili at nagpapatulala kay Devon. Alam na alam ni Quen na crush ito ng kanyang Pare, kasama ito ni Quen sa varsity team ng football. Minsan nga sumasama lang si Devon kay Quen para masimuyan ang lalaking iyon na lingid naman sa kaalaman ng dalaga na ikinasasama ng loob ng binata. Oo, may lihim na pagtingin si Quen kay Devon ngunit para ma-maintain nya ang closeness na mayroon sila ngayon ay sinantabi muna nya ito. Kahit sabihin ni Devon sa kanya na crush lang ito o paghanga ay hindi pa din siya maka-relax, dahil kung hindi si James ang magiging karibal niya sa puso ay si Sam naman na kapatid niya ang kaagaw nito.

Umupo sila sa isang VIP corner kung saan katabi ang table nila James kasama ang iba pang co-varsity nito.

Quen: bro!, dito din pala kayo?

Aaron: yeah! Nagyakagan kanina.. kaya pala hindi ka sumama dahil kay girlfriend!! (pang-aasar nito)

Ivan: you’re right dude! Mas takot pa nga yan kay Devs kaysa kay coach! Hahaha (na ikinatawa ng buong player na nandun)

Devon: OK! (tanging isinagot sa mga kaibigan ni Quen na parang nagpaparating na itigil na ang usapan na ganun)

Quen: By the way, here with me is my lil bro! SAM. He’s from L.A. kakauwi lang nya and sa school din siya napasok (pagpapakilala na para bang proud na proud na kuya)

Sam: nice to meet you guys ! (na isa isang nag-apiran at nagkamayan)

James: it’s so long to see you buddy! I cant believe it! na magkikita tayo dito sa Pinas and in the same school!

Sam: yea right. If I only knew, hindi na sana ako nagdecide na bumalik pa! kidding!

James: what brought you here ba? (with intriguing smile)

Sam: nandito pa sila mama at kuya eh!

Aaron: yun lang ba ang reason? O iba?

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Sam sa katanungan na yun, bakit nga ba siya bumalik pa? habang si Devon ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga boys. Gusto man niya umasa na isa siya sa mga dahilan kung bakit bumalik si Sam pero sa mga inaasta nito na parang wala lang siya dito ay ayaw na muna niya mag-expect. Expect? Bakit nga ba siya mageexpect? Ang babata pa nila noon kaya’t wala siguro talagang espesyal sa pagitan nilang dalawa noon. Nabigla siya sa kanyang mga iniisip kaya’t nilagok ang isang baso ng mojitos na kinagulat ng lahat at nasundan pa.

Ivan: oh well oh well! We got a hard core drinker in the house!

Quen: pare!!

Devon: sorry, akala ko water. Hehe (pinipilit na tumawa pero sa totoo lang ay umikot bigla ang kanyang paningin)

Bigla naman tumayo si Sam at umupo sa tabi ni Devon sabay hinimas ang likod ni Devon at binigyan ng tubig..

James: hey miss, may problema ka ba?

Devon: ha? (kinapula naman ng mukha nito)

James: if you have, don’t blame it on the alcohol.. magaling ako mag-advice you can count on me (at binigyan ng matamis ng ngiti ang dalaga)

Quen: ehem! Ok ka lang ba pare? I can take you home na!

Devon: ang KJ mo! Wala pa tayong 2 hours no!

Quen: baka malasing ka niyan?

Devon: nandiyan ka naman diba? Edi pag nalasing ako ikaw na bahala sakin! At ayaw mo nun? Hindi na juice iniinom ko!

Aaron: ooooh. Fighting tiger huh?!!

Devon: at ikaw! Kanina ka pa ha! KSP ka ba?

Aaron: oops! Sorry? (tilang halamang makahiya na biglang tumiklop)

Sam: are you sure you’re OK?

Devon: yes! (na ngumiti para isigurado na OK ang pakiramdam niya)

James: by the way bro, bakit never  mo nga pala iniitroduce sakin ang pare mo? Pinagdadamutan mo ba ako?

Usually hindi nagsasalita si James, he’s a man with few words sabi nga ng iba. Pero dahil na din sa nakakarami na ng alak na naiinom ay nagiging madaldal na din ito.

Quen: hindi pa ba bro?

Devon: oo hindi pa!

Quen: (napatingin ng masama kay Devon) siya si James pare! Oh pare si devon! OK na ba?

Ivan: why I have this feeling na may iba?

Quen: what do you mean?

Aaron: selos lang yun! Ay ay hindi na ako magsasalita! (na natakot sa tingin ni Devon)

Quen: Selos?

Ivan: hindi ka pala seloso ha? eh bakit hindi mo ko pinapayagan manligaw kay Devon noon?

Quen: ha?? eh hindi ka katiwa tiwala noh!

Aaron: eh si Pierro? Nagtanong din sayo yun diba?

Quen: mabigat pakiramdam ko dun!

James: if it’s ME? Papayag ka ba?

Lahat ng gusto manligaw kay devon ay kay Quen muna nadaan ngunit sa dinami dami ng nagtanong wala man lang ito ni isang pinayagan. Natigilan naman si Quen sa sinabi ni James, gusto niyang suntukin ito dahil sa selos na nadarama niya.. hindi niya alam pero nang-gigigil siya sa lalaking ito. Pero hindi lang si Quen ang nabigla, pati si Sam.

Sam: oh, are you serious? Hindi ka na pwede!

James: and why?

Sam: I’ll court her!

Devon: WHAT?! Lasing lang ba ako? Tama ba mga nadidinig ko? Ang sakit sa bangs ha! (sinasabi sa sarili habang nakayuko)

Quen: awat na! uwi na kami ni Pare, hindi na niya kaya oh!

Aaron: kaya naman pala takot lahat manligaw gawa nandiyan ka palagi!

Quen: may angal ka?

Sam: what are you doing bro? dito ka na lang. I’ll take her home.

Quen: nag-eenjoy ka pa diba?

James: oo nga naman Sam, and wait! Nakita mo na ba si Yen sa school?

Sam: is she there?

James: yea. I thought you were together pa din? Kasi sabi niya. OK pa din daw kayo?

Biglang nahimasmasan at nahulasan si Devon sa mga nadinig. Si YEN, siya yung tinititigan ni Sam noon. Sino nga ba sa buhay nito si Yen?

Devon: I’ll call it a night then. Thanks! Uwi na tayo pare. (biglang tayo na kinagulat ng lahat)

Aaron: nakakagulat ka ha! uuwi ka na? hindi ka pa pala lasing eh!

Devon: ikaw ba si pare? Halika na Pare!

Quen: ah.. eh.. sige, sige Bro! next time na lang ulet! Sam are you going with us?

James: I guess he’s not! May pag-uusapan pa kami. About Yen?

Sam: shhh. Next time na lang din.

Devon: Wag na Sam, may dala ka naman sariling car diba? Better to catch up with your long lost friend?

Sam: what?

Nilisan ni Devon at Quen ang lugar at naiwan si Sam na naguguluhan sa inakto ni Devon.

Sam: this night sucks!