Quen: hey bro? (nagtatakang bati nito sa kapatid na palabas ng kitchen)
Sam: oh Hi! What are you doing here?
Quen: ako dapat magtanong niyan diba? Where’s Pare by the way? (tila nairita sa presensya ng kapatid niya)
Sam: masama ba gising mo? Chillax bro!
Quen: kamusta ka? Masakit ba ulo mo?
May kakaibang nadadama naman si Quen sa pagakakataong iyon. Hindi niya malaman kung bakit parang may mali , parang may hindi siya alam at parang may tinatago ang dalawa sa kanya.
Quen: ah eh… wala lang.. Sam, hinahanap ka nga pala ni Mommy! Akala namin kung nasaan ka. Nandito ka lang pala (malungkot na pagsabi na nakatingin kay Devon )
Sam: si mommy talaga! Pano yan panget? Kita na lang tayo later?
Quen: Ha? sorry bro! sasamahan ako ni pare! (sabay akbay)
Quen: Dating gawi! Sunday ngayon diba?
Sam: that’s great! Let’s hang out mamaya!
Quen: ok! Count me in! (sabay akbay ulir at gulo ng buhok ni Devon )
Sam: whuuuut?
Quen: oh bakit? Bawal sumali?
Sam: mga 2pm! Sige, uwi muna ako! (paghihinayang dahil gusto niyang masolo si Devon ngayong araw)
Quen: oh magbihis ka na!
Quen: ng jogging outfit mo po! Bilis! Hindi mo ba napansin? Nakajogging pants na ako oh! (pinakita ang suot suot)
Quen: bilis na! (sabay tulak nito kay Devo papunta sa kwarto nito)
Sabay naman nag-jogging ang magPare mula sa bahay papunta sa clubhouse ng subdivision kung saan malimit sila magpahinga between their jogging session.
Quen: umagang kay ganda! (pagsigaw nito na nagbigay pansin naman sa mga taong nandodoon)
Kyle: maganda talaga yang kasama mo bro! (sabat ng isang nandun na taga-subdivision din nila)
Quen: alam ko naman yan bro! (sagot nya sabay baling kay Devon na busy pala sa pakikinig ng music sa iPod)
Quen: you are the best gift that God gave me.. (sabi nito kay Devon )
Quen: sabi ko pahiram! Ako naman, ano ba pinapakinggan mo?
Quen: oh bakit ganun? Wala naman ah?
Napatigil naman si Quen sa mga pangyayari, “what? Nadinig kaya nya yung sinabi ko kanina? Aynaku!” sabi na lang niya sa sarili. Hindi naman siya makaalis sa kinatatayuan dahil sa mga nangyari, hndi niya alam ang gagawin para siyang batang hiyang hiya sa ginawa.
Napatawa na lang si Quen at sumunod na din kay Devon . “ano bang nangyayari sayo Quen?” sabi ng isip nito.
-------
Nasa mall na silang tatlo pero hirap na hirap sila kung ano pa ba ang gagawin nila ditto. Nakapag-arcade na sila, nakapanood ng movie at nakakain na din. Lahat na ata ng pwedeng gawin ay nagawa na nila.
Quen: hmmm? (binabasa ang nasa isip ni Devon ) oo pare! Naiisip ko ang naiisip mo!
Sam: looks we have B1 and B2 here? (nagtataka sa dalawa)
Sam: ha?
Quen: sige na bro, masuntok ka pa niyan eh!
Hilig kasi nina Devon at Quen ang magfood trip sa may baywalk. Gusto nila yung challenging at may thrill kaya doon sila mahilig pumunta kapag walang magawa. May mga nakahalerang food cart na nagtitinda ng fish ball, kwe kwek, bopis, tokneneng, kikiam, 1 day old at ang pinakapaborito nila--- ang isaw!
Quen: ayan pare, ang dami nito!
Quen: masarap yan bro! don’t ya worry, hindi yan nakakamatay! (pagkasabi nito sa kapatid nang mapansin na nakatitig lang sa isaw)
Sam: sino may sabing ayaw? (sabay tingin sa isaw) mukhang masarap nga eh1 (sabay kain ng isaw)
Sam: oo nga! (habang nginunguya ang isaw) infairness, it really taste good!
Quen: haha! I told ya bro! oh gusto mo pa?
Sarap na sarap naman sila sa pagkain, halos 30 minutes na ata sila doon. Sa wakes nagsawa na din si Devon at Quen pero..
Sam: ay ate, can u give me 5 more sticks?
Quen: sh*t bro! you want more? (napapatawa sa akto ng kapatid)
Sam: why? (na nagatataka)
Sam: bakit?
Tumagal ulit sila ng 15 minutes dahil walang sawa si Sam sa pagkain ng isaw. Hindi pa nila feel ang umuwi kaya naman naisipan nila maglakad lakad muna sa baywalk. Makikita mo ang mga taong nagpapalipad ng saranggola, ang dalawang matandang busy sa fishing bonding nila, ang isang mag-anak na tawa ng tawa at ang mga couple na nakaupo sa mga bench.
Sam: why this place?
Sam: you said earlier na madalas niyo itong puntahan?
Quen: si pare ang unang nagdala sa akin dito
Quen: oo, dito kaya kita nahanap nung umalis ka school dahil sa pambu-bully ng classmate mo nung High school !
Sam: you got bullied?
Quen: at ditto ka din mahilig umalingawngaw!
Sam: umaligawngaw?
Quen: hahaha! Sorry bro, iyak at sigaw yun!
“baluuuuut!” “penoy!” “baluuuut!”
Sam: wait!
Sam: let’s try it! (sabay turo sa mangbabalut)
Natawa na lang si Devon at Quen dahil parang batang nagsusumamo si Sam sa kanila kaya naman pinagbigyan nila ito bago umuwi. Tuwang tuwa ang tatlo sa pagbobonding na nangyari sa kanila. Para bang naibalik ang pagiging close nila sa isa’t isa tulad noong mga bata pa lamang sila.