Tuesday, January 11, 2011

YOUNG LOVE 3.0

Quen: pizza?

Sam: fries?

Quen: popcorn?

Sam: nachos?

Quen: milkshake?

Sam: ice cream?

Devon: hep! Hep! Hep! (na tila nahihilo na sa dalawa) Gagabihin tayo sa mga ginagawa nyo eh. Order na lang tayo pizza!

Quen: that’s a good idea! (pagmamayabang nito sa kapatid)

Devon: tsaka ice cream!

Sam: great choice! (ngumiti naman ng pagka-laki laki)

Quen: what about popcorn?

Sam: or nachos? Much better, right?

Devon: potato chips gusto ko! Edi bumili kayo kung gusto nyo! (inunahan ang dalawa sa paglalakad)

Sam: what the?

Quen: Devon is Devon. Hindi mo sya mapipilit. (sinundan naman si Devon sa paglalakad)

Halos inabot sila ng isang oras sa mall para bumili ng makakain, 3 movies kasi ang gusto nila panoodin hindi muna nila pinagpatuloy ang panonood dahil mas masarap nga naman kung may kinakain. Sinusulit kasi nila Devon ang bakasyon dahil kinabukasan ay umpisa na ng eskwela nila.

Devon: yey! Simulan ulit natin sa umpisa. (sabay upo sa kama)

Tumabi naman si Quen na may hawak na ice cream cup, sabay tabi ni Sam na may dalang potato chips kaya’t napagitnaan siya ng magkapatid. Masaya nilang pinapanood ang movie, pero kahit ganun ay naiilang pa din si Devon kay Sam dahil na din sa mga kinikilos nito. Hindi kasi nya maintindihan ang binata, sa umpisa pa lang ay malamig na ang trato nito sa kanya. Hindi naman sya manhid upang hindi nya maramdaman ang cold treatment nito pero ayan! Bigla na lang siya sasama sa kanila at makikipag-bonding, hindi niya alam kung paano nya ito i-hahandle. Habang napapaisip at tuluyang nawawala sa focus sa pinapanood, nagulat siya sa mga nangyari!


Devon: Pare! Stop! (hindi mapigilan ang hagikgik dahil sa pangingiliti)


Quen: ha? (na nagtataka sabay tingin sa paanan nila)

Devon: uhmmm. (na hindi namalayan na nagb-blush siya) I thought it was you ? (sabay subo ng potato chips)

Sam: may kiliti ka pa din sa paa? Still miss tickle huh? (hindi naman mapigilan ang mga ngiti sa labi)

Devon: obviously? (na nakafocus ang mata sa pinapanood)


One down, two to go. Sunod naman nila pinanood ang comedy “Despicable Me”. Habang kalagitnaan ay sumakit ang likod ni Devon dahil na lang sa posisyon nila.

Devon: ouch (at napasubsob na lang ang mukha sa kama)

Quen: why pare? (sabay masahe nito sa likod ni Devon) umupo ka na lang kasi then lay your back with pillow (at binigyan ng unan ang dalaga)

Hindi maiwasan ni Sam na pansinin ang dalawa dahil  sa hindi maipaliwanag na nararamdaman  o nagseselos nga lang ba siya dahil sa nakikitang pagkakamalapit ng kuya niya at ni Devon? Kaya naman noong nag-iba ng pwesto ang dalawa ay gumaya na din ito.

Quen: hey Sam, hindi ka pa nageenroll this sem ah?

Sam: Mom will take care of it!

Quen: saan ka papasok?

Sam: Devon, where your school at?

Devon: bakit? (hindi makatingin sa kausap dahil sa lapit ng mukha ni Sam sa kanya)

Sam: so I know what my school name is (sabay ngiti nito at harap sa pinapanood)

Quen: what?! Well, that’s my school also.

Sam: huh? (nakakunot ang noo)

Quen: you heard it right?!

Devon: lilipat ka?

Quen: yea. Ayaw mo? Diba matagal mo na gustong doon ako mag-aral? Ok na papers ko.

Sam: ehem! Manonood pa ba tayo?

Devon: hindi ko na naintindihan, ang ingay nyong dalawa. Better yet, tulog na lang ako. Ok?  Goodbye (sabay tayo sa kama)

Sam: kuya! Ayusin mo yan (tinuro ang mga kalat) ako na maghatid kay Devon.

Nabigla si Devon sa mga nadinig, unti unti bumabalik din ang mga ala-ala niya noong kabataan pa sila. Madalas kasing ihatid ni Sam si Devon sa bahay nila sa tuwing naglalaro sila. Hindi naman napigilan ni Devon na ngumiti dahil sa ginagawa ng binata, umaasa din siya na muling maibabalik ang mabuting pagkakaibigan nila.

Sam: so we’re here.

Devon: ayaw mo makita muna si ate?

Sam: takot pa din ako dun, suplada (bulong nit okay Devon)

Devon: ikaw talaga! (at binigyan ng isang power punch sa tiyan)

Sam: awww. Mas lumakas ka ha?

Devon: naman! Nagtataekwando kaya kame! Nasa dance group pa ko!

Sam: ikaw ? nasayaw? Weh? (pang-aasar nito)

Devon: oo naman! Nagchchampion kami noh!

Sam: sino naman kagroup mo? Maybe kids?

Devon: ab! Aba! Hindi no! itanong mo pa kay pare!

Sam: (biglang nag-iba ang mood) pare?

Devon: ahh. Kuya mo! Kumpare ko kasi yu eh, kinuha kami ng kuya mong ninong at ninang sa first baby ni tita abby? Tanda mo pa ba siya?

Sam: yung namimigay ng lollipop?

Devon: oo! Nakakatuwa nga eh, ang bata bata naming nung nag-anak! (napansin naman niya si Sam na mukhang hindi na nag-eenjoy sa kinukwento) ahhh. Sige, baka need mo na umuwi. Salamat!

Sam: ok, goodnight! Sweetdreams panget! (at binigyan ng sobrang laking ngiti si devon)

Devon: panget pa din! BLEH! Maganda na ko no!

Sam: only in my dreams! Hahaha (tumatawa habang naglalakad pabalik sa bahay)

At nang makapasok na si Devon sa bahay..

Yaya Henya: aysus, kagwapong bata na ni Sam noh?

Erich: nasaan?

Devon: umalis na, takot pa din sayo!

Erich: sus. Oh ano? Ready na ba ikaw for tom? Ayusin mo porma mo ha! first day yun.

Devon: ate? Nandun na ako nung 1st sem noh? May magbabago ba?

Erich: nang makahanap ka naman ng boyfriend! Nang hindi ka mainggit sa amin ng Dee ko! Hahah (inaasar na namn si Devon)

Devon: magbbreak din kayo! Hahahah (habang papasok sa kwarto)

----------
RING RING RING RING RING

Yaya Henya: Nene, nasaan si ineng?

Erich: nasa kwarto na ho! Sabihin ko na lang na sagutin nya, may landline naman ho yun sa kwarto.

----------
Quen: goodnight pare

Devon: kaw talaga, yun lang ba? Sige goodnight!

Sam: ehem!

Quen: parang lalaking umubo ah?

Sam: goodnight panget!

Devon: Sam?

Quen: hey bro! sige na pare goodnight, see yah tom sa school. Bye

Devon: bye.

---------
Quen: Sam!  (pinuntahan sa kwarto)

Sam: oh kuya, nag-goodnight lang ako. Masama ba?

Quen: at kelan mo ako tinawag na kuya? Ah! nevermind, sabay na daw tayo bukas!

Sam: ok! Goodnight (sabay tawa nito)

Masaya si Sam sa mga nangyari sa kanila ng buong araw, at umaasa syang mauulit pa iyon lalo na nakasama niya ulit ang kanyang kababatang si Devon. si devon na laging nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya.






1 comment:

  1. bakit ngayun ko lang nadiscover toh?? i like it!! ang ganda ng story!! winner sa casting... sam & quen with enrich!! lurve it talaga!! kinikilig ako sa story!!

    bakit jelly si sam kay kuya quen eh magfriends lang naman ang magpare.. pero sabagay nakakaconfuse kc c quen uber maalaga kc kay devon :D

    pot, di ba may isa pa ikaw ff yung rbtl? hindi mo na itutuloy yun?? isa ako sa mga abangerz dun... i'm a certified FF adik!! ;)

    ReplyDelete